EAT BULAGA!, BUBULAGA NA SA TV5 NGAYONG 2023?

GORGY RULA

Napahinga lang sandali ang isyu ng Eat Bulaga! nang sinabi ni Vic Sotto sa nakaraang mediacon ng upcoming GMA-7 sitcom na Open 24/7 na nabayaran na siya ng malaking pagkakautang sa kanya ng TAPE, Inc.

Read: Vic Sotto, nabayaran na ng TAPE; ilang Dabarkads, hindi pa umano nababayaran

Pero hindi pa tapos ang mainit na isyung ito! Tuloy pa rin ang pagkalap ng mga latest na impormasyon tungkol sa kontrobersiyang ito sa longest-running noontime show.

Ayon sa napagtanungan ng PEP Troika, hindi pa rin pala naaayos ang problema sa sa pagitan nina Tito Sotto, Vic, at Joey de Leon at ng mga Jalosjos na siyang nagma-manage ng TAPE, Inc.

Read: EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'

Read: EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"

Hindi muna ibinigay sa amin ang buong detalye, pero malamang na magkakaroon ng pasabog na announcement. Posibleng may kinalaman ito sa pag-uusap sa TV5, at kung ano ang magiging stand ng GMA-7 sa isyung ito. Abangan natin iyan!

May ilang taga-Eat Bulaga! kaming napagtanungan kung totoo bang hindi pa nagkakaayos ang TVJ at ang mga Jalosjos siblings ng TAPE, Inc.

Makahulugan ang pabirong sagot sa akin: kailangan daw bang maging close ang TVJ sa mga Jalosjos?

Patuloy pa ring tinututukan ang isyung ito, kaya curious pa rin ang mga tao at pinapanood ang Eat Bulaga!.

Consistent na mataas ang rating nito at hindi makakadikit ang katapat na It’s Showtime.

Nung nakaraang Miyerkules, May 24, 2023, ay naka-7.2% ang Eat Bulaga!, at 2.7% naman ang It’s Showtime.

Totoo kaya ang nasagap pa rin naming impormasyon na mas mataas pa raw ang rating na nakukuha noon ng Tropang LOL kesa sa It’s Showtime?

Mataas lang daw nung unang inilipat sa bagong timeslot, pero nitong bandang huli na ay bumababa na ito.

JERRY OLEA

Nasa RPN-9 ang Eat Bulaga! mula 1979 hanggang 1989.

Nasa ABS-CBN ito mula 1989 hanggang 1995, hanggang lumipat ito sa GMA-7.

Bubulaga rin kaya ang Dabarkads sa TV5 simula ngayong 2023?

Sakaling umalis ang Eat Bulaga! sa Kapuso Network, kering-keri ng GMA-7 na mag-produce ng sariling noontime show.

For sure, hindi tatapatan ng NET25 ang noontime show nina Tito, Vic & Joey ng kaparehong format — manatili man o umalis sa GMA ang Eat Bulaga!.

Sakaling i-absorb ng NET25 ang Tropang LOL, saang time slot kaya ito ilalagak?

Ang It’s Showtime, ano ang kahihinatnan?

Ano na ba ang latest sa ALLTV na tinaguriang bagong Channel 2?

Ang noontime show dapat ng PTV 4, aasahan pa natin?

Masasagot ang lahat ng ito sa tamang panahon.

NOEL FERRER

Parang anything goes and anything can still happen sa Eat Bulaga! saga na ito. Abangers na lang tayo sa mga pangyayari.

At malinaw na sinabi ni Tito Sen, ang Eat Bulaga! ay nagkasariling buhay bago pa dumating ang TAPE.

Kaya anuman ang kahihinatnan nito, sana tuloy ang saya at ligaya, saan man dako ng Pilipinas at mundo… at saan mang channel ito!

2023-05-25T12:05:43Z dg43tfdfdgfd