JOEY DE LEON DRAWS FLAK FOR "FRANCISE M" JOKE

Hindi pinalusot ng netizens ang biro ni Joey de Leon tungkol sa prangkisa na idinaan niya sa word play.

Sa Twitter noong May 31, 2023, may isang netizen ang nagbigay ng opinyon tungkol sa pagkalas nina Joey, Tito Sotto, at Vic Sotto sa Television and Production Exponents (TAPE) Inc., producer ng Eat Bulaga!

Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers

Bukod sa pioneer hosts ng programa, sumama rin sa kanila ang lahat ng co-hosts, production crew, at sales staff.

Read: (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE

Ayon sa netizen, ang nangyari kina Joey ngayong hindi na sila napapanood sa noontime ay tila kapareho sa nangyari sa ABS-CBN nang mawalan ito ng prangkisa kaya hindi na nakapag-broadcast.

Read: ABS-CBN went off the air 7:52 tonight, May 5, 2020 

Sinabi ito ng netizen dahil nagbiro raw kasi si Joey noon tungkol sa pagkakaroon nila ng franchise.

Ayon sa netizen, "Joey de Leon several times threw shade 'kami may franchise'. Now he’s experiencing the same for at least one day."

Kahit hindi ito naka-tag sa TV host, nakarating pa rin ito kay Joey.

Sinagot niya ang netizen ngunit hinaluan niya ng word play tungkol sa "franchise" at sa namayapang rapper na si Francis "Francis M" Magalona.

Aniya, "Totoo naman talaga yun pero nawala rin…si Francise M. Gets?"

Si Francis ay naging bahagi ng Eat Bulaga! bago ang kanyang pagpanaw.

Hindi naging maganda ang dating nito sa ilang netizens.

Namayapa na raw yung tao kaya bakit idinamay pa ito sa kanyang biro.

Narito ang ilan sa komento ng netizens: 

Narito pa ang ibang komento:

Kilala si Joey na mapagbiro at mahilig maglaro ng salita.

2023-06-02T12:09:07Z dg43tfdfdgfd