SUNSHINE DIZON SA ANAK: YOU WILL REALIZE ALL THE LIES THAT WERE FED TO YOU WAS WRONG"

- Nagbahagi si Sunshine Dizon ng mensahe para sa kanyang anak na lalaki

- Hindi malinaw kung ano ang pinagmulan ng kanyang madamdaming mensahe ngunit aniya ay palagi niyang papatawarin ang anak

- Nabanggit din nito ang dating asawa at ang kinakasama nito

- Aniya, balang araw ay mapapagtanto nito na mali ang lahat ng kasinungalingan na sinasabi sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Sunshine Dizon ng mensahe para sa kanyang anak na lalaki. Hindi malinaw kung ano ang pinagmulan ng kanyang madamdaming mensahe ngunit aniya ay palagi niyang papatawarin ang anak.

Aniya, balang araw ay mapapagtanto nito na mali ang lahat ng kasinungalingan na sinasabi sa kanya

One day when you're all grown up you will realize all the lies that were fed to you was wrong. I hope and pray that you dont regret the times we wasted.

Nabanggit din nito ang dating asawa at ang kinakasama nito.

Si Sunshine Dizon ay anak ng isang movie at TV producer. Sa kanyang murang edad na tatlo ay pinasok niya ang mundo ng showbiz. Ikinasal siya kay Timothy Tan, isang businessman noong 2010 ngunit nagkahiwalay din pagkatapos ng anim na taon.

Ibinahagi ni Sunshine na kahit nagkahiwalay sila ng dating asawang si Timothy, bilib umano ito sa pagiging ama sa kanilang anak. Nagkamali man ito, nakabawi naman ito sa kanyang pagiging responsableng ama sa kanilang mga anak. Kahit naging kontrobersiyal ang kanilang paghihiwalay, naging maayos ang samahan ng dating mag-asawa. Para sa kanya, basta gawin lang daw ng asawa ang responsibilidad nito sa mga anak nila, wala nang problema sa kanya.

Samantala, nagpapasalamat siya sa dating asawang si Timothy dahil nagagampanan nito ang kanyang obligasyon bilang ama sa mga anak nila. Ito ay sa kabila ng kanilang matinding pinagdaanan na nauwi pa noon sa demandahan dahil sa isyu ng third party. Itinuturing ni Sunshine na maswerte pa rin siya kahit paano dahil may katuwang siya sa pag-aalaga sa mga anak nila. Hindi niya umano aakuin na isa siyang single parent dahil nakakahiya iyon sa mga totoong single parent na kinakaya ang mga responsibilidad nang mag-isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

2023-06-02T12:01:03Z dg43tfdfdgfd